O kapatid!
Kaibigan!
Hanguin mo ang taglay mong apoy
Ang ating talim ay hindi mapupurol
O kapatid, kaibigan!
Kislap ng pula sa gitna ng dilim
Ang ating talim kailanman ay hindi
Mapupurol!
Amoy ko pa ang gintong palayan
Pagtawa ng daloy sa ating paa
Tamis ng sinag sa aking balat
Ngayon ay binihag ng mga ganid kong panginoon
Alam kong hindi madali ang maningil ngunit
Ako ay hindi na muli ikakaladkad ng tanikala
Ako ay hindi na muli ikakaladkad ng tanikala
O kapatid, kaibigan!
Hanguin mo ang taglay mong apoy
Ang ating talim ay hindi mapupurol
O kapatid, kaibigan!
Kislap ng pula sa gitna ng dilim
Ako ay magliliyab!
Ika'y tumayo
At huwag na muli luluhad
Hindi na muli luluhod
Anak ng lupang silangan
Magliyab! Magliyab! Magliyab!
Iyo ang apoy sa sulo ng digma