Pulang Talim Lyrics


Malapunyal ang iyong mga salita

Kampilan na pula at nagliliyab

Walang kapantay, brilyong gabay

Hanggang tagumpay taglay

Kailanman ang talim ay hindi

NAPUPUROL!

Amoy ko pa ang gintong palayan

Ang daloy ng tinig mo naririnig

Tamis ng sinag ng nakaraan

Ngayon ang nangingibabaw

Ay lansa ng dugo

Bigla na lang sila dumating

May pangil ang baluktot na ngiti

"LUHOD!"

Ang una nilang hiling

Ika'y tumindig

Ako ay 'di na muli ikakaladkad ng tanikala!

Ako ay 'di na muli ikakaladkad ng tanikala!

Malapunyal ang iyong mga salita

Kampilan na pula at nagliliyab

Walang kapantay, brilyong gabay

Hanggang tagumpay taglay

Ang talim ay hindi napupurol

Ang iyong mga salita

Kailanman ay hindi mapupurol

Sa kanilang harapan ika'y tumayo

At hindi na muli lumuhod

Hindi na muli luluhod

Malapunyal ang iyong salita

Kampilang pula at nagliliyab

Walang kapantay, brilyong gabay

Hanggang tagumpay

Hanggang tagumpay taglay

Alam kong hindi madali ang maningil

Ngunit ako

Ay hindi na muli ikakaladkad ng tanikala

Ako ay hindi na muli ikakaladkad ng tanikala

Ako ay hindi na muli ikakaladkad ng tanikala

AKO AY HINDI NA MULI IKAKALADKAD NG TANIKALA

AKO AY HINDI NA MULI IKAKALADKAD NG TANIKALA

AKO