Iluminasyon Lyrics


O aking minamahal, hanggang kailan ka ba maglalakad sa panaginip ng mga gising?

Sa daigdig na iniluwal ng iyong ulirat upang itago ang dibinidad sa loob ng mortal na katawan

Buksan mo ang iyong mata, ikaw na nahihimlay

Maglakad kang muli sa aking tabi magpakailanman

Sa landas na walang wakas

Sa konseptong hindi mabatid

Anyong higit pa sa anyo

IMORTALIDAD!

Iluminasyon ng bathalang mortal

Ako ang tanglaw, ako ang tanglaw

Hindi mo ba naaalala ang aking mukha?

O, kay tagal mo ng nahihimbing sa loob ng iyong balat

Sisidlan! Sisidlan lamang ang mortal na katawang hindi mo mabitawan

Tuklasin mo akong muli, Tuklasin mo ako sa dilim

Ako ang katotohanan sa likod ng iyong kamalayan

Buksang mo iyong mata, ikaw na nahihimlay

Maglakad kang muli sa aking tabi magpakailanman

Sa landas na walang wakas

Sa konseptong hindi mabatid

Anyong higit pa sa anyo

Ang huling pagtawid ng kaluluwa

Patungo sa bulwagan ng kahariang walang katapusan

Ako ang tatayong gabay sa landas na walang makatahak

Sundan mo ang aking yapak patungo sa walang hanggan

At maging ganap muli, at maging ganap

Ako ang daan, ako ang liwanag, ako ang Kristong itinago mula sa mundo

Ako ang serpyenteng siyang magbubukas sa kamalayan ng buong sangkatauhan